
Sa ating lalawigan
Sa dulong timog kanluran,kung saan matatagpuan
Ating bayan hinirang.malalim na kasaysayan
Ng sinaunang yaman,ni Zobel de Ayala ng
Hacienda Calatagan
May toreng naggagabay,sa bawat manlalakbay
Ang cafe Santiago ang syang,sa atin nagbabantay.
Kay sarap mabuhay sa lupa na sagana.
Hangin na sariwa, kay sarap langhapin
Mangga na matatamis,tubo na kay sagana
May sugpo’t hipon,kuyog na sariwa
Chorus
Halina’t tayo na ating pag masdan
ang bayan kong pambihira
paraisong sadya, ang bayan ng Calatagan
halina’ at tayo na, atin ng pagsaluhan pa
tayong Calatageño ang anak ng bayan ko
buhay ay iaalay sayo o Inang bayan ko
ako, ikaw, tayong lahat tunay na Calatageño
tunay na calatageño
tunay na calatageño
tunay na calatageño...



